^

Probinsiya

Laklakan sa burol nauwi sa rambol: 2 patay, 2 kritikal

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Laklakan sa burol nauwi sa rambol: 2 patay, 2 kritikal
Sa report ng Sta. Ana Police, kinilala ang mga nasawi na sina Garry Jovellanos, 41-anyos at isang dumalo sa lamay na si Reynante Romero.
STAR/ File

Mikropono ng videoke pinag-agawan

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Pinag­lalamayan na rin ngayon ang dalawang mister habang dalawa pa ang malubha kasunod ng ram­bulan na umano’y nag-ugat sa agawan ng mi­k­ro­pono ng videoke sa kasagsagan ng kanilang inuman sa burol ng ka­nilang kaanak sa Brgy. Visitacion, Sta. Ana, Cagayan noong Sabado ng hatinggabi.

Sa report ng Sta. Ana Police, kinilala ang mga nasawi na sina Garry Jovellanos, 41-anyos  at isang dumalo sa lamay na si Reynante Romero.

Sa imbestigasyon, da­kong alas-12 ng ha­tinggabi, nauwi umano sa komprontasyon ang masayang kantahan ng magkakainumang sina Jovellanos; Robert Aguirre, 39, at Raymond Carillo, 41, na pawang kaanak ng nakaburol na si Romulo Carillo, at ang dayo na si Romero na taga-bayan ng Lal-lo.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mga magkakaanak at kinomprontang si Ro­mero dahil sa sinasabing agawan ng mikropono habang nagkakantahan sa videoke at hindi nila alam na armado pala ang nasabing dayo ng kalibre 45 baril.

Pinagbabaril ni Ro­mero­ ang mga magkamag-anak pero nagawang makaganti ng tatlo.

Namatay agad si Romero na nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan matapos siyang kuyugin ng tatlo na gumamit pa ng malalaking tipak ng bato na ipinampukpok sa una bago sila nawalan ng ulirat dahil sa mga tinamong tama ng punglo sa katawan.

Isinugod ang tatlong magkakaanak sa Sta. Ana Community Hospital kung saan nalagutan ng hininga si Jovellanos­. Ang naghihingalo na­mang sina Carilllo at Aguirre ay inilipat sa Ca­gayan Valley Medical Center kung saan sila ino­obserbahan.

VISITACION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with