^

Probinsiya

Espenido, 2 pulis sa multiple homicide’ nakalaya

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Espenido, 2 pulis sa multiple homicide’ nakalaya
Ayon kay Police Lt. Col Jovie Espenido, P240,000 ang piyansa niya kasama sina Police Executive Master Sgt. Renato Martir Jr. at P/Cpl. Sandra Louise Bernadette Bantilan na kanyang dating mga tauhan.
Senate File photo

Matapos sumuko sa Ozamiz City

MANILA, Philippines — Pansamantalang na­kalaya si Police Lt. Col Jovie Espenido at dalawa pulis na akusado sa mga kasong pagpatay matapos na makapagpiyansa sa Oza­miz City.

Ayon kay Espenido, P240,000 ang piyansa niya  kasama sina Police Executive Master Sgt. Renato Martir Jr. at P/Cpl. Sandra Louise Bernadette Bantilan na kanyang dating mga tauhan.

Matatandaan na nitong Martes, bolun­tar­yong sumuko si Espenido at dalawang pulis sa Ozamis City Police Station matapos maglabas ang Department of Justice ng warrant of arrest laban sa kanila dahil sa kasong 6 counts of homicide, base sa isinampang reklamo ng isang Carmelita Manzano noong 2018. Ito ay dahil sa pagpatay umano sa kanyang asawang si Fancracio; anak na si Jerry; live-in partner ng kanyang anak na si Victorino Mira Jr.; pamangking si Lito Ma­ni­san; live-in partner ng pamangkin na si Romeo Libaton; at isa pang Alvin Lapeña sa ginawang raid ng tropa ni Espenido noong Hunyo 1, 2017 habang sila ay nag­kakasahan sa kanilang tahanan sa Barangay Cabinti.

Giit naman ni Espenido, lehitimo ang kanilang ginawang ope­­rasyon at kilala uma­nong mga tauhan ng pamilyang Parojinog at miyembro ng “Martilyo Gang” ang mga napatay.

Si Espenido ay magugunitang isa sa mga kontrobersiyal na pulis sa kasagsagan ng drug war ng admi­nistrasyong Duterte dahil sa mga napatay nitong narco-politician.

JOVIE ESPENIDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with