^

Probinsiya

Biyuda kinatay ng bespren

Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon

ANGELES CITY, Philippines — Naliligo sa sariling dugo ang isang 54-anyos na biyuda nang matagpuan ng mga awtoridad matapos na pagsasaksakin ng kanyang kaibigang babae kasabay ng kanilang pagtatalo sa bahay ng biktima sa Brgy. Margot, dito, kamakalawa ng madaling araw.

Sa ulat buhat sa tanggapan ni Police Station 5 Commander P/Maj. John Pineda, kinilala ang biktima na si Hilyn Sison, 54, residente ng Deca Clark Homes sa nasabing barangay.

Agad namang sumuko sa pulisya ang suspek na si Analyn Sumague, 38, na nahaharap sa kasong homicide matapos na mapatay ang sariling kaibigan. Siya ay nakapiit ngayon sa Angeles City Police Station 5 detention facility.

Sa inisyal na imbestigasyon, pasado alas-3:00 ng madaling araw nang magkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang magkaibigan sa ‘di malamang dahilan na nauwi sa pananaksak ng suspek na nagresulta sa agarang pagkamatay ng biyuda.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang tunay na motibo sa krimen.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with