^

Probinsiya

3 patay narekober sa ritwal ng kulto sa Cotabato

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
3 patay narekober sa ritwal ng kulto sa Cotabato
Nakilala ang mga bangkay na sina Leo­nardo Lauron Capillan, 61, na namatay noong Enero 31; Bernardo Provida Capillan (anak ni Leonardo), 32, na namatay noong Pebrero 1, at Ailyn Magali, 18, dalaga na nasawi noong Pebrero 6, pawang mga residente ng Brgy. Libertad, Arakan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tatlong patay na halos naagnas na ang na­rekober ng mga otoridad sa gitna ng pagtitipon ng isang kulto na pinamumunuan ni Nicholas  Canonigo alyas “Kolas” at  anak na si Joana Lou Canonigo na sinasabing kaya nilang buhayin sa Arakan, North Cotabato.

Nakilala ang mga bangkay na sina Leo­nardo Lauron Capillan, 61, na namatay noong Enero 31; Bernardo Provida Capillan (anak ni Leonardo), 32, na namatay noong Pebrero 1, at Ailyn Magali, 18, dalaga na nasawi noong Pebrero 6, pawang mga residente ng Brgy. Libertad, Arakan.

Naniniwala ang mga miyembro ng kulto na sila ay maliligtas sa pagtira sa gitna ng bundok at malayo umano sa problema. Ta­nging pagkain, pagtulog at pagdarasal lamang ang kanilang ginagawa.

Naniniwala silang sasanib umano kay ­Joana Lou Canonigo ang Santa Maria at mabubuhay nito ang tatlong patay na binanggit.

Una nang nagpaabot ng reklamo ang pamilya ng mga patay dahil nangangamoy at naaagnas na ang mga ito pero tutol umano ang mag-amang Canonigo na kunin ang mga bangkay at ilibing.

Nagsagawa pa ng negosasyon ang lokal na pamahalaan ng Arakan sa pangunguna ni Mayor Rene Rubino, pulisya at militar sa grupo ni Canonigo  upang  itigil ang pagtitipon at ibigay ang mga bangkay.

Agad namang  umuwi ang mga miyembro ng kulto sa kanilang mga tahanan na dumalo sa isang ritwal.

Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ang mag-amang Canonigo ng mga otoridad kung may pananagutan ba sila sa batas.

CANONIGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with