Kapitan, 8 pa arestado sa illegal logging
BAGUIO CITY, Philippines — Huli sa akto ang isang barangay chairman at 8 pang kasamahan nito na kasalukuyang nagkakarga ng nalagari nang mga troso sa isang 6x6 trak sa tabi ng ilog Pinacanauan sa mismong barangay na pinamumunuan nito kaninang Miyerkules ng madaling araw sa San Mariano, Isabela.
Ayon kay Cagayan Valley Region Police director Brig. Gen. Crizaldo Nieves, ang mga dinakip na nahaharap sa kasong illegal logging ay kinilalang sina Brgy. Cataguing Chairman Harley Deolazo, 54; Helbert Martinez, 30; Donald Cachuela, 37; Jeffrey Deray, 31; Michael Bacani; Jomari Palattao, 29; pawang sa Brgy. Buyasan; at truck driver na si Jerold Malsi, 34; Jerrymi Malsi, 29; at Jackson Malsi, 37, na mga ka-barangay ng kapitan.
Ayon sa pulisya, isang tipster ang nagbigay ng impormasyon sa kanila kaugnay sa ilegal na operasyon ng mga suspek.
Nadatnan ng mga pulis si Deolazo kasama ang walo na kasalukuyang nagkakarga ng 2,000 board feet ng nalagari nang troso sa 6x6 truck na pagmamay-ari pa ng tserman, dakong 4:40 Miyerkules ng madaling-araw sanhi ng kanilang pagkakaaresto.
- Latest