^

Probinsiya

‘Shoot-to-kill’ pa vs leftist leader sa Cordillera

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
âShoot-to-killâ pa vs leftist leader sa Cordillera
Ang STK laban kay Naogsan Sr. na may patong sa ulo na P2.7 milyon ay kasunod ng pagsuko ni Cordillera People’s Al­liance (CPA) chairperson Windel Bolinget sa National Bureau of Investigation (NBI)-Cordillera ng nakalipas na linggo matapos ma-pressure sa unang “shoot to kill” na inutos ni Police Regional Office-Cordillera director Brig. Gen. Rwin Pagkalinawan sa kanyang mga tauhan.
Philstar.com/File photo

May P2.7-milyong patong sa ulo

BAGUIO CITY , Philippines — Naglabas uli kahapon ng “shoot-to-kill” (STK) order ang isang heneral ng pulisya laban kay Cordillera People’s Democratic Front (CPDF) spokesman Simon Naogsan Sr. na isa sa 9 na wanted at akusado sa pagpatay sa isang Garito Tiklonay Malibato sa Kapalong, Davao del Norte noong 2018.

Ang STK laban kay Naogsan Sr. na may patong sa ulo na P2.7 milyon ay kasunod ng pagsuko ni Cordillera People’s Al­liance (CPA) chairperson Windel Bolinget sa National Bureau of Investigation (NBI)-Cordillera ng nakalipas na linggo matapos ma-pressure sa unang “shoot to kill” na inutos ni Police Regional Office-Cordillera director Brig. Gen. Rwin Pagkalinawan sa kanyang mga tauhan.

“He should peacefully surrender as soon as possible or he might suffer the consequences,” babala ni Pagkalinawan at sinabing dapat tularan ni Naogsan Sr. ang ginawang ehem­plo ng pagsuko ni Bolinget upang malinawan sa ­korte ang katotohanan sa pagpatay kay Malibato.

Si Naogsan Sr. ay da­ting civil engineer ng Commission on Audit bago siya sumapi sa New People’s Army (NPA) noong 90’s, at may ibinabang P2.7-milyong reward sa tipster para sa kanyang ikaaaresto.

Kasunod ng STK order, magugunita na sumuko nitong Huwebes si Bolinget sa NBI-Cordillera na inasistehan ng kanyang abogado upang patunayan aniya na inosente siya sa ibinibintang sa kanya at iginiit na ang kanyang pagsuko ay hindi pag-amin sa krimen.

Nitong Setyembre 2020, naglabas si Judge Sharon Rose Saracin Tagum City Branch 30 Regional Trial Court ng warrant of arrest laban kina Bolinget, Naogsan Sr. at walong iba pang kasamahan nang walang kaukulang piyansa dahil sa kasong pagpatay kay Malibato noong Marso 22, 2018 sa Brgy. Gupitan, Kapalong, Davao del Norte.

Bunsod nito, agad na inilabas ni Pagkalinawan ang kanyang STK order laban kay Bolinget pero nilinaw nito na ipatutupad lamang ito kung ang huli ay maglalaban sa arresting team kaya napilitang sumuko ang huli.

SHOOT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with