^

Probinsiya

Truck nahulog sa bangin: 2 patay, 3 sugatan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

DIGOS CITY, Philippines — Isang truck ng mga gulay ang nahulog sa bangin na  ikinasawi ng dalawa katao at pagkasugat ng tatlong iba pa naganap kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Lt. Col. Vici Anthony Tababa, acting city police chief ng Digos ang mga nasawi na sina Junel A. Vargas, 32, at Celso M. Acam, 19, kapwa residente ng Bansalan, Davao del Sur. Ang dalawa ay kapwa truck helpers.

Ginagamot naman sa Davao del Sur Provincial Hospital ang mga nasugatang sina  Erwin Royales Bernardo, 42, truck driver mula  Zamboanga City; Junnide P. Pansoy, 39, ng Bansalan, Davao del Sur; at Jade Morales, 19, ng Magsaysay Davao del Sur.

Lumilitaw sa imbestigasyon, naganap ang insidente, alas-7:00 ng gabi habang minamaneho ni Bernardo ang truck na may plakang JAD-3886 ang pababang daan ng Brgy. Kapatagan patungong  Digos City  nang mawalan ng kontrol at mahulog sa bangin na agad ikinasawi nina Vargas at Acam.

Ang truck ay nakarehistro kay Jo Randie Dunque ng Sta. Maria, Zamboanga City.

vuukle comment

DIGOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with