^

Probinsiya

2 vintage bomb natagpuan

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

STA ROSA, Nueva Ecija, Philippines — Dalawang World War ll vintage bomb ang natagpuan sa magkaibang lugar sa bayang ito sa loob lang ng dalawang linggo, kung saan nadiskubre nitong Sabado ang ikalawang bomba sa Barangay Luna, dakong 10:40 ng umaga.

Ayon kay P/Major Fortune Dianne Bernardo,  hepe ng pulisya rito, natagpuan ng magbabakal at magboboteng si June Alarcon, 42, ng Brgy. Luna ang isang bomba habang nagbubungkal ng “kalakal” sa isang bakanteng lote na malapit lang sa tinitirhan nito. Agad nitong iniulat sa pulisya ang natagpuang bomba at kanyang isinuko.

Nauna rito, noong Disyembre 23,  natagpuan din ng 52-anyos na magsasakang si Moises Sapiandante, ng Brgy. Gomez habang naglilinis ng natuyong palaisdaan ang  isang vintage bomb. Kasalukuyang nag-aalis ng damo si Sapiandante gamit ang grass cutter nang matamaan nito ang bomba, dakong 11 ng umaga at masuwerteng hindi sumabog.

Nasa pag-iingat na ng Nueva Ecija Provincial Explosive and K-9 Unit na nakabase sa Cabanatuan City ang natagpuang mga bomba.

vuukle comment

PULISYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with