^

Probinsiya

Patrol car tinambangan: Police deputy chief sugatan

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Sugatan ang isang opisyal ng pulisya matapos tamaan ng bala nang tambangan ang kanyang sinasakyang patrol car kasama ang tatlong tauhan sa Peñablanca, Cagayan, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang opisyal na si P/Lt. Randy Baccay, deputy chief of police ng Peñablanca Police Station.

Batay sa ulat, habang lulan ng patrol car at nag­sasagawa ng anti-illegal logging operation sina Baccay kasama ang tatlong tauhan nang sila ay tambangan at paulanan ng bala ng hindi pa nakikilalang mga suspek pagsapit sa may Sitio Dalayat, Brgy. Minanga dakong alas-7:00 ng gabi.

Nagtamo si Baccay ng bala sa ibabang bahagi ng kanyang baywang habang mapalad na hindi tinamaan ng mga bala ang tatlong pulis na kasama.

Ang pananambang sa tropa ni Baccay ay kasunod ng pagkakasabat ng mga tauhan ng Peña­blanca Police ang mahigit sa 3,000 board feet na mga pinutol na kahoy sa nabanggit na lugar.

Matatandaan na unang tinukoy ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO­) ang bayan ng Peñablanca bilang hot spot zone ng illegal logging sa Cagayan.

PATROL CAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with