40 stranded hikers sa Tanay, nailigtas
TANAY, Rizal, Philippines — Tiniyak ng pamunuan ng Rizal Provincial Disaster and Risk Reduction Management Office (PDRRMO) na nasa ligtas na kalagayan ang tinatayang 40 katao na stranded sa Laiban trail sa nasabing bayan.
Ayon kay Loel Malonzo, hepe ng Rizal PDRRMO, kamakalawa pa tinututukan ng Tanay MDRRMO ang sitwasyon ng mga naturang adventure-seekers at nailipat na sa kalapit na Mayton Farms sa Brgy Sto. Nino upang doon manatili habang may bagyo.
Batay sa ulat ng Tanay MDRRMO, naiwan sa kabilang bahagi ng ilog ang sasakyan ng mga stranded dahil sa hindi na sila makatawid sa ilog.
Ipinaliwanag ni Malonzo na masyadong mapanganib tumawid sa ilog ng Laiban trail dulot ng pagtaas ng antas ng tubig nito at malakas na agos dulot ng bagyong Quinta.
Hinihintay na lamang din aniya nila ang pagbuti pa ng panahon para sa ligtas na pagkuha sa mga ito.
- Latest