^

Probinsiya

Ilocos Norte tatanggap na ng turista

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan , Philippines  — Tatanggap na ang Ilocos Norte ng mga turista  mula sa iba’t ibang panig ng Luzon kabilang ang Metro Manila sa pagpapairal ng Expanded Ridge and Reef Travel Corridor program simula kahapon.

Sa ipinalabas na Executive Order ni Governor Mathew Manotoc noong Oktubre 13, bukod sa NCR ay binubuksan ng Ilocos Norte ang pintuan ng kanilang turismo sa mga taga-Cordillera Admi­nistrative Region,Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON at Bicol Region.

Una nang binuksan ng Ilocos Norte ang kanyang teritoryo sa mga bisitang nagmula sa mga kapwa probinsiya nito sa Region 1 at Baguio City matapos mabuo ang nilagdaan nilang memorandum of agreement kasama ang Department of Tourism at iba pang government line agencies noong Setyembre 1.

Sa pinalawak na programa; 50 slots muna ang maaaring tanggapin ng Ilocos Norte sa isang araw.

Ang mga napiling bisita ay kinakailangan na makipag-ugnayan lamang sa mga akomodasyon at serbisyong accredited sa DOT.

Nakasaad din sa guidelines ng kautusan na kinakailangang maipakita ng papasok na bisita ang negatibong resulta ng RT-PCR nito na kinuha sa loob ng 72 oras at kailangan sumailalim sa Rapid Antigen Test pagsapit sa border ng Ilocos Norte.

Ipinagbabawal naman sa pagpasok ang mga buntis, mga mayroong karamdaman o comorbidities at mga batang abnormal ang kalusugan at congenital heart disease.

vuukle comment

TURISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with