^

Probinsiya

419 pamilya inilikas dahil kay ‘Ofel’

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Aabot sa 419 na pa­milya mula sa 3 re­hiyon sa Luzon na kinabibila­ngan ng  Calabarzon, Mimaropa at Region 5 ang inilikas dahil sa hagupit ng bagyong Ofel.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, nasa 127 pamil­ya  ang inilikas mula sa 10 barangays sa Region 5 na matatagpuan sa mga landslide at flood-prone areas partikular sa mga lugar sa Camarines Norte, Camarines Sur at Sorsogon.

Ang mga nagsilikas ay kasalukuyang nanunuluyan sa mga evacuation centers.

Mabilis ding nailipat ang 134 pamilya sa Region 4A Calabarzon,  at kasalukuyang nasa 13 evacuation centers sa Lucena City; Quezon; Bauan,Batangas at Los Baños, Laguna.

Nasa 199 na mga ka­tao ang stranded sa mga pier ng rehiyon, ilang spillway sa Lucena City ang hindi madaa­nan.

Patuloy naman ang clearing  operations sa mga lugar na binagsakan ng mga puno dahil sa malakas na hangin sa bayan ng Quezon.

Sa MIMAROPA, 158 pamilya o katumbas ng 665 indibidwal ang napilitan ding lumikas sa kanilang mga bahay.

Ang mga lumikas ay mula sa bayan ng Puerto Galera, Bulalacao, Calapan at Baco na ngayon ay pansamatalang nanatili sa mga evacuation centers.

Sa ngayon nagpapatuloy ang monitoring ng NDRRMC sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Ofel para ma­bigyang ayuda ang mga apektadong pamilya.

Wala namang naitala na casualties sa nasabing rehiyon.

vuukle comment

OFEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with