2 mangingisda inabutan ng bagyo sa karagatan, nasagip sa Bataan
CAVITE, Philippines — Dalawang nawawalang mangingisda na inabutan ng hagupit ng bagyo sa gitna ng karagatan mula sa Naic ang nasagip ng mga awtoridad matapos mawasak ang kanilang bangka at mapadpad sa karagatang sakop ng Bataan kamakalawa.
Nakilala ang mga na-rescue na sina Bobit Jandog at John Paul Lyson kapwa mangingisda at residente ng Naic, Cavite.
Sa salaysay ng dalawa, nawasak ang kanilang bangka nang hampasin ito ng malalaking alon sa kasagsagan ng bagyong “Enteng” na ikinalubog nito habang sila ay nangingisda sa karagatan ng Naic sa Cavite. Pilit anila silang nagpalutang-lutang sa karagatan hanggang sa mapadpad sa matapos sa karagatan ng Bataan at dito na sila namataan ng mga mieymbro ng KARPA II Security Services ng Bataan kaya sila nasagip.
Matapos ma-rescue, agad na nakipag-ugnayan ang Mariveles-DRRMO sa Naic local government upang maiuwi ang dalawang mangingisda.
Nabatid na nagpumilit na pumalaot ang dalawa sa kabila ng masungit na panahon upang manghuli ng isda na pangkain ng kanilang pamilya.
- Latest