^

Probinsiya

1 taong gulang na sanggol sa Oriental Mindoro positibo sa COVID-19

James Relativo - Philstar.com
1 taong gulang na sanggol sa Oriental Mindoro positibo sa COVID-19
"Dahil siya ay napakabata pa at upang siguraduhin pang lalo humiling ako sa [Department of Health] na muling ipasuri (confirmatory test) ang kanyang specimen at ito naman ay kagyat na pinagbigyan," ani Dolor.
Litrato mula sa Google Maps

MANILA, Philippines — Hindi lang parami nang parami ang bilang ng tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas — pabata na ito nang pabata.

Isang taon at siyam na buwang gulang na babae mula Calapan City ang isa sa pinakabagong kaso ng COVID-19 sa bansa, ayon kay Oriental Minodoro Gov. Hemerlito Dolor.

Ayon sa gobernador, may travel history sa Alabang, Muntinlupa ang baby mula ika-5 hanggang ika-12 ng Marso bago bumalik ng probinsya.

"Dahil siya ay napakabata pa at upang siguraduhin pang lalo humiling ako sa [Department of Health] na muling ipasuri (confirmatory test) ang kanyang specimen at ito naman ay kagyat na pinagbigyan," ani Dolor.

"Isasailalim na rin sa testing ang kanyang mga guardians."

Samantala, nagnegatibo naman sa virus ang pitong pasyente sa sakit sa kanilang probinsya. Pending pa naman daw ang test results ng lima pa.

Nagsasagawa naman na raw ng contact tracing ang pamahalaang lalawigan maging ang mga nakasalamuha ng bata bago at habang naka-confine sa ospital.

Pinaalalahanan naman ng opisyal na hindi makatutulong ang pagpa-panic sa ngayon, ngunit magpapatupad daw sila ng striktong home quarantine, physical distancing, liquor ban at pagpapasuot ng face masks.

"Ipinapaalaala ko po sa lahat na LALO TAYONG MAGHIHIGPIT sa PAGPAPAPASOK ng mga TAO mula sa labas ng ORIENTAL MINDORO," dagdag pa ni Dolor.

Inaatasan na rin daw niya ang Philippine National Police, Philippine Army, Philippine Coast Guard, Maritime Police at iba pa na higpitan ang pagbabanta sa lahat ng points of entry ng lalawigan.

Umabot na sa 707 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa pinakahuling tala ng DOH, habang 45 na ang namamatay.

INFANT

NOVEL CORONAVIRUS

ORIENTAL MINDORO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with