^

Probinsiya

Tsino na suspected virus carrier natunton sa ospital ng Cagayan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Tsino na suspected virus carrier natunton sa ospital ng Cagayan
Sinabi sa PSN ni Dr. Glenn Mathew Baggao, pinuno ng CVMC na kusang nagpa-admit ang Tsino matapos makaramdam ng konting pagkahilo.
Philstar.com/File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines — Isang Chinese national na naglaho sa paniniktik ng mga awtoridad dahil sa hinihinalang nagtataglay ng COVID-19 ang natagpuang nakaratay sa Cagayan Valley Medical Center sa lungsod na ito kahapon ng umaga.

Sinabi sa PSN ni Dr. Glenn Mathew Baggao, pinuno ng CVMC na kusang nagpa-admit ang Tsino matapos makaramdam ng konting pagkahilo.

Ayon kay Baggao, bagama’t asymptomatic at stable ang Tsino ay isasailalim pa siya sa 14-day quarantine habang sinusuri ang kanyang posibleng infection sa COVID-19.

Sa ngayon ay nasa isolation ward ang dayuhan gayundin ang 11 pang iba na inoobserbahan bilang mga persons under investigation (PUI) sa posibleng sakit, dagdag ni Baggao.

Nabatid na lumapag sa Tuguegarao City Airport ang Tsino mula Shanghai noong Marso 11. Siya umano’y tubong Hubei, China kung saan matatagpuan ang siyudad ng Wuhan na pinanggalingan ng COVID-19. 

Huling na-monitor ang Tsino sa hilagang Cagayan kung saan siya nakihalubilo sa mga mamamayan.

COVID-19

CVMC

GLENN MATHEW BAGGAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with