^

Probinsiya

‘Operation Linis’ inararo ng SUV: 2 dedo, 8 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
âOperation Linisâ inararo ng SUV: 2 dedo, 8 sugatan
Hindi na umabot nang buhay sa Milagros District Hospital ang mga tanod na sina Ambrocio Lagundi, 47, at Rodrigo Pacion ha­bang nilalapatan ng lunas ang mga sugatang sina Anthony Soriano, 34, tanod; Francisco Allata, Redentor Telan, kapwa nasa hustong gulang; Philip Macapagal, 25, SK chairman; Jose Villaverde, 66; Ma­nuel Dayag, 57, at isang 17-anyos na estudyante; pawang ng Brgy. Balla­cayu, San Pablo, Isabela. Nagtamo rin ng sugat sa katawan ang driver ng SUV na sina Dr. Marcial Que Jr., 29, ng Brgy. District 2, Tumauini, na isinugod sa Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City.
STAR/File

MANILA, Philippines – Nauwi sa trahedya ang isinagawang “Baran­gay Ope­ration Linis” ma­ka­­raang araruhin ang mga naglilinis ng isang humaha­gibis na SUV ng isang doktor na ikinasawi ng da­lawang brgy. tanod at ikinasugat ng walo malapit sa isang tulay sa Brgy. Ballacayu, San Pablo, Isabela nitong Martes ng umaga.

Hindi na umabot nang buhay sa Milagros District Hospital ang mga tanod na sina Ambrocio Lagundi, 47, at Rodrigo Pacion ha­bang nilalapatan ng lunas ang mga sugatang sina Anthony Soriano, 34, tanod;  Francisco Allata, Redentor Telan, kapwa nasa hustong gulang; Philip Macapagal, 25, SK chairman; Jose Villaverde, 66; Ma­nuel Dayag, 57, at isang 17-anyos na estudyante; pawang ng Brgy. Balla­cayu, San Pablo, Isabela. Nagtamo rin ng sugat sa katawan ang driver ng SUV na sina Dr. Marcial Que Jr., 29, ng Brgy. District 2, Tumauini, na isinugod sa Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City.

Sa ulat ng Isabela Police, alas-9:50 ng umaga habang binabagtas ng kulay puting SUV Montero (AVR-1979) na minamaneho ni Que ang kahabaan ng national highway patungo sa direksyong Timog nang mag-overtake sa isang mo­­­torsiklo sa Ballacayu Bridge pero hindi nito napansin ang kasalubong na sasakyan sa kabilang linya. Tinangkang iwasan ni Que ang kasalubong na sasakyan subalit nawalan siya ng kontrol sa manibela hanggang sa araruhin ang 9 na katao na noon ay tulung-tulong na naglilinis sa gilid ng kalsada at ang mga nakaparadang motorsiklo bilang bahagi ng kanilang “Brgy. Operation Linis” na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa at ikinasugat ng pitong biktima. Nasugatan din ang nasabing doktor at nasira ang kanyang sasak­yan sa insidente.

 

OPERATION LINIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with