9 bagong PUI, ipinasok sa isolation
3 negatibo sa nCoV sa Cagayan Valley
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Tatlong persons under investigation (PUI) na nakaranas ng sintomas ng trangkaso ang pinalabas na sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) dito matapos magnegatibo sa nakamamatay na novel coronavirus (nCoV) subalit 9 pang bagong pasyente ang pumalit sa kanila noong Sabado.
Ayon kay Dr. Glenn Mathew Baggao, hepe ng CVMC; dalawang taga-lungsod na ito at isang taga-bayan ng Enrile na bumuti na ang kalagayan ang inirekomenda niyang ma-discharge.
Isa pang PUI ang nananatili sa Southern Isabela Medical Center na Santiago City, batay sa pahayag ng Department of Health-Region 2.
Sa nasabing bilang na bagong kaso, nabatid na lima dito ang isinugod sa CVMC noong Sabado matapos makaranas ng lagnat at pag-ubo, dalawa sa kanila ay bata mula sa bayan ng Sanchez, habang ang iba ay tig-isa mula sa mga bayan ng Tuao, Sto. Niño, Gattaran at Iguig.
Hindi na idinetalye ni Baggao ang travel history ng mga bagong PUI na sa ngayon ay lumobo na sa 9 na nasa kanyang pangangalaga.
- Latest