13 wanted nadakma sa Cagayan Valley
SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines – Nasa 13 katao na wanted sa iba’t ibang kaso ang nahulog sa kamay ng mga awtoridad sa pinaigting na “Oplan Manhunt Charlie” ng pulisya sa Cagayan Valley (Region 2), ayon sa pulisya kahapon.
Sa ulat ni P/Brig. Gen. Angelito Casimiro, regional police director ng Cagayan Valley, kinilala ang mga naaresto na sina Eliseo Manango, 57, ng Brgy. Batal, Santiago City, Top 2 most wanted sa lungsod na ito dahil sa kasong rape; Marlon Castillo, 55, isang magsasaka at Top 7 Intel list ng pulisya at Jong-Jong Matias, 33, magsasaka, Top 9 sa Intel list ng PNP; kapwa residente ng Brgy. Mauanan, Rizal, Cagayan dahil sa kasong attempted murder.
Kabilang pa sa nalambat ang retiradong opisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP) na si Napoleon Natividad, 67, dahil sa paglabag sa Tax Code of 1997; Basha Angelica Addatu, 22, isang GRO dahil sa kasong Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 at isang lolo na si Andres Tablac, 73, dahil sa kasong acts of lasciviousness. Kasama pa ang mga wanted na nadakip sa Cagayan na sina Joey Baligod, 22, hotel employee; Mark Pagalilauan, 28, ng Brgy. Caggay, Tuguegarao City; Melecio Pascua, 49; Randy Bumagat, 38; Oscar Umengan, 29, at Freddie Habawel, 22, magsasaka, na nadakma naman sa Sitio Hamhamaan, Brgy. Dulli, Ambaguio, Nueva Vizcaya habang si Luluquisin Esquivel, 48, ay nahuli sa Metroville Subd., Brgy. Rosario, Santiago City.
- Latest