Malasakit Center bubuksan sa Cagayan
SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Pangungunahan ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ang pagpapasinaya sa pagbubukas ng Malasakit Center sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) na nakabase sa Tuguegarao City sa lalawigan ng Cagayan ngayong araw.
Ayon kay Dr. Glen Matthew Baggao, Medical Center chief ng CVMC, nakatakda ring mamamahagi ng relief goods at iba pang tulong pinansiyal si Go sa mga naging biktima ng magkasunod na malawakang pagbaha sa nasabing lalawigan.
Ang Malasakit Center na makikita sa mga government hospitals na naisabatas sa pamamagitan ni Go ay magisisilbing “one-stop shop” para sa mga mamamayan na nangangailangan ng tulong medikal at pinansyal.
Kabilang sa mga tanggapan na matatagpuan sa loob ng Malasakit Center Office na magbibigay ng tulong sa mga pasyente ay ang PhilHealth, Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Department of Health at ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan matatagpuan din ang express lane para sa mga senior citizen at person with disabilities (PWD).
Pinasalamatan ni Dr. Baggao si Go sa paglalagay ng Malasakit Center sa CVMC para matulungan ang residente lalo na ang mga mahihirap na pamilya sa pagpapagamot.
Bukod kay Go, inaasahan na makakasama sa okasyon si Malasakit Center National Head Sec. Michael Lloyd Diño.
- Latest