^

Probinsiya

Bagitong parak nag-amok, arestado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Bagitong parak nag-amok, arestado
Sa ulat ni Batangas Police Provincial Police Office (PPO) Director P/Colonel Edwin Quilates, kinilala ang pasaway na parak na si Patrolman Paul Arvin Valerio.
File

MANILA, Philippines — Bagsak kalaboso ang isang bagitong pulis dahil sa umano’y pagwawala at pananakot habang lasing sa Brgy. San Antonio, Sto. Tomas City, Ba­tangas kamakalawa.

Sa ulat ni Batangas Police Provincial Police Office (PPO) Director P/Colonel Edwin Quilates, kinilala ang pasaway na parak na si Patrolman Paul Arvin Valerio.

Bandang ala-1 ng madaling araw, nang umano’y magwala si Valerio na nasa impluwensya ng alak sa nasabing lugar.

 Si Valerio ay inireklamo ng isang Kristine Iglesia na umano’y isa sa hinarass ng una at pinagbantaan pa umanong papatayin.

“Pag nakuha ko ang baril ko papatayin ko kayo,” banta umano ng nagwawalang parak  kay  Iglesia at sa iba pa nilang mga ka-barangay.

Nagawa namang ma­katakbo ni Iglesia sa ma-tinding takot na nagsup­long sa mga opisyal ng barangay.

Nagresponde agad ang mga tanod at dinakip ang nasabing parak  saka dinala sa himpilan ng pulisya.

Bukod sa kasong administratibo, nahaharap sa kasong alarm and scandal at grave threat ang nasakoteng rookie cop. 

BATANGAS POLICE PROVINCIAL POLICE OFFICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with