^

Probinsiya

Trak bumaligtad: 2 patay, 47 sugatan

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Trak bumaligtad: 2 patay, 47 sugatan
Batay sa report ng Tala­kag Police Station, sakay ang mga biktima ng trak papuntang church fellowship at binabaybay ang nasabing lugar nang biglang nawalan ito ng preno, dakong alas-10:00 ng umaga.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dalawa ang patay habang 47 ang sugatan nang mauwi sa trahedya ang isasagawa sanang fellow­ship ng isang religious group nang bumaligtad ang sinasakyan nilang trak sa National Highway ng Km-26, Brgy. Tikala­an sa bayan ng Talakag, Bukidnon, kamakalawa ng umaga.

Nasawi noon din ang mga biktimang sina Manuel Alforque Jr, 74, at Bonifacia Abut, 76-anyos, habang patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang 47 iba pa na nasugatan sa insidente kabilang ang driver ng trak na si Michael Abanacion, 24.

Batay sa report ng Tala­kag Police Station, sakay ang mga biktima ng trak papuntang church fellowship at binabaybay ang nasabing lugar nang biglang nawalan ito ng preno, dakong alas-10:00 ng umaga.

Sa bilis ng pangyayari, ay nawalan ng kontrol sa manibela ang driver dahilan upang bumaligtad ito na nagresulta sa pagkamatay nina Alforque at Abut dahil sa tinamong matinding pinsala sa ulo at katawan, at ikinasugat pa ng iba.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa nasabing insidente.

vuukle comment

PATAY

TRAK

TRUCK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with