4 pulis tiklo sa ‘hulidap’
SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Apat na pulis ang nasa balag ng alanganin matapos masangkot sa “hulidap” sa bayan ng Gattaran, Cagayan, ayon sa ulat kamakalawa.
Kinumpirma ni P/Col. Ariel Quilang, acting provincial police director, ang apat na pulis na ‘di pa pinangalanan ay sasampahan ng kasong carnapping, robbery, pagtatanim ng ebidensya at kasong administratibo dahil sa grave misconduct.
Ayon naman kay P/Brig. Gen. Angelito Casimiro, police regional director ng Cagayan Valley, ang apat na pulis na kinabibilangan ng 2 sarhento mula sa Gattaran Police, 1 corporal at 1 patrolman na kapwa nakatalaga sa 203rd Regional Mobile Force Battalion 2 ay posibleng ma-demote, masuspinde o matanggal sa serbisyo kung mapatunayang guilty sa kinasasangkutang mga kaso.
Nabatid na nagsagawa ng operasyon ang apat na pulis laban sa isang opisyal ng barangay sa Gattaran kamakailan subalit hindi umano nila idineklara ang kanilang mga nakuhang ebidensya tulad ng mga kagamitan at pera mula sa naturang target.
- Latest