^

Probinsiya

Maghahatid ng inumin sa quake victims water tanker bumaligtad: Helper pisak

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Maghahatid ng inumin sa quake victims water tanker bumaligtad: Helper pisak
Ang water tanker na bumaligtad at nawasak.
Rhoderick Beñez

NORTH COTABATO, Philippines — Isang helper ang minalas na masawi matapos na madaganan ng bumaliktad na water tanker na maghahatid sana ng inu­ming tubig para sa mga nabiktima ng lindol habang bumabagtas sa National Highway ng Purok 11, Sitio Patulangon, Brgy. Poblacion sa Maki­l­­ala­­, Cotabato kahapon ng umaga.

Sa report ng Makilala Police Traffic Section sa pangunguna ni P/MSg Xer­xes Anthony Fiel, nakilala lamang ang nasawing biktima sa alyas “Nonoy” at nakatira sa Catiil Compostela Valley.

Lumalabas sa imbes­tigasyon na habang bina­bagtas ng water tanker na minamaneho ni Jimmy Calolo Gaspar Caber, 50- anyos, company driver ng Jora Tracking Services ang highway at patungo na sana sa bayan nang pagsapit sa lugar ay pumalya umano ang sasakyan. Dito, mawalan ng kontrol sa manibela ang nasabing drayber sanhi upang bumaliktad ang sasakyan.

Nabatid na ihahatid lamang sana nila ang pitong toneladng tubig ng Dumoy Fresh Water sa mga bakwit ng bayan nang maganap ang ‘di inaasahang insidente.

Dahil sa impact, bumaligtad at napahiwalay ang ulo ng truck sa dalang tangke na nabutas din at tumapon ang tubig. Sa kamalasan ay nadaganan pa ang nasabing helper na agarang nasawi sa lugar habang nasugatan ang naturang driver.

WATER TANK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with