^

Probinsiya

Ex-Governor Espino kritikal, 5 bodyguard utas sa ambush!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Ex-Governor Espino kritikal, 5 bodyguard utas sa ambush!
Base sa inisyal na ulat ng Pangasinan Provincial Police Office (PPO), sinabi ni PNP Spokesman Brig. Gen. Bernard Banac, dakong alas-4:30 ng hapon habang bumabagtas sa nasabing lugar ang behikulo ni Espino nang bigla na lamang itong paulanan ng bala ng mga suspek.
DWCM Aksyon Radyo Pangasinan/Violy Valdez-Ferrer

MANILA, Philippines – Nasa malubhang ka­lagayan si dating Panga­sinan Governor at dati ring Congressman Amado “Ama” Espino Jr. matapos siyang tambangan at pagbabarilin ng hindi pa nakilalang armadong kalalakihan na ikinasawi ng 5 bodyguard nito sa Brgy. Magtaking, San Carlos City, kahapon ng hapon.

Base sa inisyal na ulat ng Pangasinan Provincial Police Office (PPO), sinabi ni PNP Spokesman Brig. Gen. Bernard Banac, dakong alas-4:30 ng hapon habang bumabagtas sa nasabing lugar ang behikulo ni Espino nang bigla na lamang itong paulanan ng bala ng mga suspek.

Sinabi ni Banac na ang dating kongresista ng ikalimang distrito ng Pangasinan ay nagtamo ng malubhang sugat at patuloy na isinasalba ang buhay sa Holy Blessed Family Hospital sa San Carlos City.

“We just learned that former governor and Cong. of Pangasinan Amado Espino, Jr. has just been ambushed and is now fighting for his life in a hospital in Pangasinan. All 5 of his bodyguards heroically shielded Espino with their bodies and they all perished,” ayon naman kay Senador Richard Gordon sa kanyang post sa Twitter.

Si Espino ay dating napasama sa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte pero makalipas ang ilang araw ay nag-public apology ang punong ehekutibo sa pagsasabing mali ang impormasyon na naibi­gay sa kanila.

 

ESPINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with