^

Probinsiya

Paglaya ni Baldo naharang!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Napigilang lumabas ng kulungan kahapon si dating Daraga Mayor Carlwyn Baldo matapos magsampa ng “motion for reconsideration” ang prosekusyon laban sa kautusan ng korte na pinapayagang makapag-bail ang dating alkalde na may kaugnayan sa mga kasong pagpatay kina dating Ako Bicol Party-list Cong. Rodel Batocabe, bodyguard nito at sa pagkakasugat ng anim na iba pa sa Brgy. Burgos, Daraga, lalawigang ito noong Disyembre 22, ng nakalipas na taon.

Kasama ang ilang kapamilya, magbabayad na sana kahapon ng P8 milyong surety bond si Atty. Lovensky Fernandez, tumatayong abogado ni Baldo sa Legazpi City Regional Trial Court para sa 2-counts of murder at P120,000 bawat isa sa 6-counts ng frustrated murder o kabuuang P8.7 milyon pero hindi ito tinanggap ng korte.

Sa desisyon ni RTC Branch 10 Judge Maria Theresa San Juan Loquillana, P3-milyon bawat count ng kasong murder kung cash bond subalit P4-milyong halaga bawat kasong murder kung surety o property bond.

Ayon kay Atty. Fernandez, handa na sana silang magbayad ng piyansa pero hindi inaksyunan ng executive judge dahil sa kailangan munang resolbahin ng korte ang isinampang “motion for reconsideration” mula sa kampo ng pamilya-Batocabe noong Martes.  Pero dahil sa naka-leave of absence si Judge Loquillana ay sa susunod pa umanong linggo matatalakay ang paglaya ng dating alkalde. Joy Cantos

 

BALDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with