^

Probinsiya

Tserman nag-amok sa bar: Negosyante, 1 pa todas!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawa katao kabilang ang isang negosyante na nagmamay-ari ng disco bar ang bumulagta makaraan silang pagbabarilin ng isang abusadong barangay chairman na nagpumilit na pumasok sa nasabing bar para uminom ng alak sa Brgy. Calaba, Bangued, Abra kamakalawa ng madaling araw.

Sa ulat ng Cordillera Police, kapwa dead-on-arrival sa ospital ang mga biktima na sina Elpidio Castillo Jr., 49-anyos, may-ari ng disco bar at Nonito Billedo, 31; pawang ng Brgy. Bangbangar sa kapitolyo ng Bangued.

Ang suspek ay nakilala namang si Joel Bayle Mailed, 59, chairman ng Brgy. Calaba, Bangued.

Sa ulat, ala-1:30 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa harapan ng El Amor Disco Bar na pag-aari ng biktimang si Castillo. Dumating si Mailed at kanyang kaibigan na lasing na lasing  at  galit na kinuwestiyon pa nito si Castillo kung bakit isinara na ang disco bar gayong nais pa nilang mag-inuman hanggang umaga. Dahil dito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng chairman at ni Castillo hanggang sa biglang bumunot ng .45 pistol ang una at walang sabi-sabing pinagbabaril ang negosyante. Nadamay naman sa insidente si Billedo na nasa likod ni Castillo.

Nang magresponde ang mga pulis, nakipagbarilan pa umano ang nasabing tserman sa arresting team sanhi upang siya ay masugatan at maaresto habang papatakas.

 

vuukle comment

TSERMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with