^

Probinsiya

Binata nabasted, nagbigti sa balon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil umano sa depresyon matapos mabigo sa pag-ibig, isang binata ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagtali sa leeg nito sa isang malaking bato saka tumalon sa balon sa bayan ng Alimodian, Iloilo nitong Martes.

Kinilala ang nasawi na  si Ronelo Alegrado, residente ng Sitio Bungol, Brgy. Poblacion, nasabing bayan. Sa ulat ni Police Master Sgt. Sandy Harder, pasado alas-12 ng tanghali nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa ilalim ng balon ilang metro lang ang layo mula sa kanilang tahanan.

Unang inireport ng pamilya ng biktima na nawawala ang binata noon pang Agosto 24. Gayunman, nitong Martes ng tanghali ay nag-igib ng tubig sa balon ang nakababatang kapatid ng biktima nang mapansin nitong may patay na tao sa ilalim ng balon kaya nagsisigaw ito sa paghingi ng tulong sa kanyang mga kapitbahay.

Tumulong ang barangay at tumawag ng mga pulis upang maiahon ang bangkay na kinalaunan ay nadiskubreng ang nawawalang binata.

Bago ang insidente, sinabi ng pamilya ng biktima na ilang araw na umanong tulala ang huli at malungkot matapos na mabasted ng kanyang nililigawang dalaga.

vuukle comment

BALON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with