4 tiklo sa P2.4-M shabu
MANILA, Philippines — Sa kulungan ang bagsak ng apat na sinasabing bigtime ‘tulak’ ng droga kasunod ng pagkakasamsam mula sa mga ito ang nasa P2.4-milyong halaga ng shabu sa isinagawang ‘Oplan Paglalansag Omega’ ng Criminal Investigation and Detection Group ng Angeles City Police sa Mindanao Ave, Jaoville, Brgy. Pandan, Angeles City, Huwebes ng umaga.
Himas-rehas na ngayon ang mga suspek na sina Paisal Bertudan, Saaduden Samuranao, Yusoph Soba, at Salic Salahoden, pawang mga residente ng naturang lugar.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:00 ng umaga nang ikasa ang search warrant ng mga otoridad sa bisa ng ipinalabas ni Hon. Judge Godofredo Abul, Presiding Judge ng RTC Branch 57 laban kay Bertudan sa kasong paglabag sa R.A. 105910 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, na nagresulta rin sa pagkadakip sa tatlo pa nitong kasamahan.
Kabilang sa mga nasamsam mula sa mga suspek ang 365 gramo ng shabu na may street value na P2,482,000.00, isang kalibre .45 baril, drug paraphernalias, at apat na motorsiklo.
Nabatid na si Bertudan ay ang lider umano ng “Bertudan” crime group na responsable sa talamak na bentahan ng droga sa lungsod ng Angeles.
- Latest