Matador pinugutan, lamanloob kinain
Matador pinugutan, lamanloob kinain
TUGUEGARAO CITY, Cagayan - Dinakip ng pulisya ang isang 25-anyos na matadero na umano’y kumatay at pumugot sa kanyang kabaro dahil sa pinaniniwalaang masamang impluwensiya ng “Momo Challenge” sa Sitio Pagturao, Bontoc Ili, Bontoc, Mountain Province kamakalawa.
Sa report, natunton ng pulisya sa isang follow-up operation si Kevin Changat, 25, dahil sa mga patak ng dugo patungo sa kinalalagyan nitong barong-barong dakong alas-9:00 ng umaga.
Puno ng dugo ang mga kamay at paa ni Changat nang datnan ng mga pulis.
Sa imbestigasyon, nadiskubre sa kalsada ang pinugutang bangkay ng kapwa niya matador na si Wilfred Aquino, 31, dakong alas-2:00 ng madaling araw.
Ayon sa report, wakwak din ang dibdib ni Aquino at dinukot pa ang mga lamang loob nito na sinasabing tinikman ni Changat.
Ayon sa saksing si Larry Chugwawi, 35, ubos na ang kanilang pulutan nang iniwan niya ang biktima at suspek na naglalaklakan sa slaughter house na pinapasukan ng dalawa dakong alas-11:00 ng gabi.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa suspek na hindi pa makausap nang matino matapos madakip.
- Latest