^

Probinsiya

Motorsiklo salpok sa poste: Rider lasog, angkas kritikal

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Motorsiklo salpok sa poste:  Rider lasog, angkas kritikal
Sa ulat, dakong alas-11 ng gabi, galing sa Bagasbas Road at patungong Daet ang mga biktima pero dahil sa mabilis na pagpapatakbo ng motorsiklo ay nawalan ng kontrol sa manibela si Esquillo at bumangga sa poste ng kuryente.

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Nalasog ang katawan ng isang rider habang kritikal ang kanyang angkas matapos bumangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa poste ng kuryente sa Purok-3, Brgy. Burabod, Daet, Camarines Norte kamakalawa ng gabi. Kapwa isinugod ng mga residente sa Camarines Norte Provincial Hospital ang mga biktima pero dineklarang patay ang rider na si John Edward Esquillo, 29, ng Brgy. Bactas, Basud habang agad inilipat sa Bicol Medical Center sa Naga City ang angkas na si Jeffrey Porciuncula, 23, dahil sa kritikal na kondisyon.

Sa ulat, dakong alas-11 ng gabi, galing sa Bagasbas Road at patungong Daet ang mga biktima pero dahil sa mabilis na pagpapatakbo ng motorsiklo ay nawalan ng kontrol sa manibela si Esquillo at bumangga sa poste ng kuryente. Sa lakas ng bangga, parehong tumilapon ang mga biktima at humampas ang kanilang katawan sa sementadong kalsada na ikinasawi ng driver.

vuukle comment

ACCIDENTAL

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with