3 Indonesian hostages pinalaya
MANILA, Philippines — Tatlong Indonesian nationals na dinukot ng bandidong grupo na Abu Sayyaf Group (ASG) ang ligtas na sa kapahamakan makaraang palayain ng mga terorista kamakalawa ng hapon sa Sulu.
Kinilala ang mga dayuhang pinalaya na sina Hamdam Salim, 34-anyos, Subandi Sattuh, 27 at Sudarlan Samansung, 41 anyos.
Base sa ulat ng Western Mindanao Command, dakong alas-4 ng hapon ng palayain ang mga hostages sa Brgy. Buanza, Indanan Sulu.
Kaagad silang itinurn over kay Brigadier General Divino Rey Paay Jr., Commander ng Joint Task Force Sulu, dating governor Abdusakur Tan at Provincial Director ng Sulu Provicial Police. Senior Supt. Labra.
Mabilis na dinala ang mga hostages sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Station Hospital para sa medical check-up at sasailalim sa stress debriefing
Nakikipag-ugnayan na ang gobyerno ng Pilipinas sa mga opisyal ng Indonesia kaugnay sa pagtu-turnover ng pamahalaan sa tatlong dayuhan.
Ang tatlong Indonesian ay dinukot ng ASG sa Sabah, Malaysia noong Enero 18, 2017 habang sakay ng speedboat sa karagatan ng Taganak Island sa Tawi-tawi.
- Latest