16 hepe sinibak sa Caraga
MANILA, Philippines — Labing-anim na hepe ng pulisya ang sinibak sa iba’t-ibang lugar sa Caraga Region bunga ng mahinang performance sa anti-drug campaign sa kanilang nasasakupan kaugnay ng buwanang ebalwasyon sa mga opisyal.
Sa ulat ni Caraga Regional Director P/Chief Supt. Noli Romana, na ang pagsibak sa nasabing mga hepe ay base sa rekomendasyon ng Oversight Committee on Illegal Drugs.
Ayon kay Romana, inaprubahan niya ang rekomendasyon ng Oversight Committee sa pamumuno ni Sr. Supt. Jimili Macaraeg, Acting Deputy Regional Director for Operations sa pagsibak sa 16 chief of police kabilang na ang mga nakatalaga sa bayan ng Santiago, Las Nieves, Kitchrao at Magallanes; pawang sa ilalim ng hurisdiksyon ng Agusan del Norte Provincial Police Office (PPO). Samantalang sa Surigao del Norte Provincial Office ay mula naman sa mga bayan ng Tagananan, Bacuag, at San Francisco habang sa Surigao del Sur PPO ay ang mga hepe sa Cantilan, Marihatag, Cagwaig at Madrid. Lima namang hepe sa Dinagat Islands PPO ang nasampulan din ng pagsibak sa puwesto.
- Latest