^

Probinsiya

‘Karnaper’ tumba sa engkuwentro

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
‘Karnaper’ tumba sa engkuwentro
Napaslang ang hinihinalang karnaper nang umano’y makipagbarilan sa mga awtoridad makaraan ang habulan habang nakatakas ang isang kasamahan nito sa Tanza, Cavite kahapon.
Cristina Go Timbang

CAVITE  , Philippines  —  Bulagta ang isa sa dalawang hinihinalang karnaper matapos na makipagbarilan sa mga pulis sa Tanza, Cavite kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang napatay na suspek na si Allan Collado, nasa hustong gulang, ng Barangay Biga, Tanza.

Sa ulat, dakong alas-3:30 ng madaling araw habang nagpapatrolya ang mga pulis sa kahabaan ng Trece Road, Brgy. Bagtas nang humahangos na lumapit sa kanila ang isang nakilalang “Glen” at humihingi ng tulong hinggil sa dalawang lalaki na naka-camouflage at naka-jacket na humarang sa kanya at tinutukan siya ng baril saka sapilitang inagaw ang kanyang motorsiklo.

Agad na nagsagawa ng dragnet operation ang pulisya at namataan nila sa Brgy. Bagtas ang dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo. Nang tinangkang lapitan ng mga pulis, humarurot umano ang dalawa  at nagpaputok. Dito na nagkaroon ng habulan at nauwi sa engkuwentro hanggang sa masapol ng bala ang backrider na suspek dahilan upang sila ay sumemplang. Nagawang makatakas ang isa habang dinala pa sa  Aguinaldo Hospital sa Trece Martires City si Collado subalit idineklara siyang dead-on-arrival.

Narekober sa lugar ang isang Kawasaki Rouser 135 (2600 VS) na kinarnap sa biktima, isang cal. 38 pistol na may serial number 1284847 at empty cartridge shells ng caliber .9mm pistol.

CARNAPPER

CRIME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with