^

Probinsiya

Chief of police utas sa drug bust

Joy Cantos, Raymund Catindig, Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

2 suspek arestado

MANILA, Philippines — Patay ang hepe ng pulisya ng Mallig, Isabe­la matapos na makabarilan ng mga awtoridad ang grupo ng mga pinaghihinalaang notoryus na tulak ng droga sa isinagawang buy bust operation sa bayan ng Mallig nitong Linggo, Father’s Day.

Sa ulat, kinilala ang napatay na si P/Sr. Ins­pector Angelo Tubaña, 31-anyos, miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class 2013, at residente ng Brgy. Vira, Roxas, Isabela.

Sa report ni Sr. Supt. Mariano Rodriguez, ac­ting provincial director ng Isabela Provincial Police Office, bandang alas-10:15 ng gabi nang pa­­­­ngu­nahan mismo ni Tu­­baña ang buy bust ope­ration laban sa mga target na drug personality sa bisinidad ng national highway sa Brgy. Centro 1. Nang matunugan umano ng mga suspek na mga pulis ang kanilang naka-deal, bigla na lamang silang nagbunot ng baril at pinaputukan ang mga operatiba. Dito minalas na tamaan sa kanang bahagi ng katawan ang biktima habang mabilis na tumakas ang dalawang suspek gamit ang isang XRM 125 na motorsiklo.

Agad na isinugod sa Yumenas Hospital sa Roxas, Isabela si Tubaña pero binawian ng buhay habang isinasalba ng mga doktor.

Sa isinagawang follow-up operation kahapon ng umaga ng Provincial Intelligence Branch, Isabella Police at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG ) Region 2,  nadakip naman ang dalawang suspek sa Brgy Nambaran, Tabuk City, Kalinga na sina Warren Bulawit, 19-anyos, tricycle driver ng Brgy. Nambaran, Tabuk City at 17-anyos na menor-de-edad.

?Samantala, natulala si Mallig Mayor Jose Calderon at hindi muna nakapagbigay ng paha­yag sa media kaugnay sa pagkasawi ng kanyang chief of police.

HEPE NG PULISYA

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with