^

Probinsiya

Cafgu nirapido ng kabaro

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

PIKIT, North Cotabato , Philippines  —  Dead-on-the-spot ang isang kasapi ng Citizen Armed forces Geographical Unit o CAFGU makaraang pagbabarilin ng isa pang CAFGU na kasama nila habang nanonood ng telebisyon sa loob ng Command Post ng 31st Civilian Active Auxiliary CAA Company sa Barangay Ginatilan sa bayan ng Pikit, North Cotabato, Miyerkules ng gabi.  Nasawi noon din ang biktima na si Esmail Tanto, 43-anyos, na residente ng Barangay Langayen ng nasabing bayan. 

Kinilala naman ang suspek na kapwa nito Cafgu na si Alberto Cabunay.  Bago ito ay nagkaroon umano ng pagtatalo ang dalawa sa loob ng kampo.  Ngunit makalipas ang ilang minuto, habang nanood ang biktima ng TV kasama ang iba pa nang bigla itong pagbabarilin ng suspek gamit ang isang M-14 rifle na dahilan ng agaran nitong pagkamatay. Nakuha mula sa crime scene ang walong empty shell ng M-14 rifle na ginamit ng suspek na agad namang tumakas matapos ang pamamaslang.

vuukle comment

CITIZEN ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

DEAD-ON-THE-SPOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with