^

Probinsiya

Financier ng drug den, 10 pa timbog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang lalaking uma­no’y financier ng isang drug den, at 10 nitong tauhan ang nalambat ng mga awtoridad sa isinagawang anti-drug operations sa Cainta, Rizal na nagresulta rin sa pagkakasamsam ng daang libong halaga ng shabu at mga baril kahapon ng madaling-araw.

Sinabi ni  Calabarzon Police Regional Director P/Chief Supt. Guillermo Eleazar na sa bisa ng search warrant na inilabas ni Exe­cutive Judge Agripino Morgan ng Regional Trial Court Branch 29-32 ng San Pablo City, Laguna, pinasok ng awtoridad ang isang drug den sa Sitio Dulong Parola, Brgy. San Andres na tinaguriang “Little Tawi-tawi” at naaresto si Da­niel Cabra Jr., umano’y financier ng nasabing drug den at mga tauhang sina Bernie Tenedero, Jun Abeleda, Jamuel Calapotot, Martin Baluya, Lanie Rafol, Maricel Soriano, Ednalyn Calumpiano, Mary Amor Lingat, Jayson Zaidey Delos Santos, at Jonnel Arendon.

Sa report ni P/Supt. Arturo Brual, hepe ng Cainta Municipal Police Station (MPD), dakong alas-5:30 ng madaling araw nang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng Cainta MPS, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-4 at Regional Special Ope­ration Unit ng PRO-4A, ang naturang drug den, na matatagpuan sa boundary ng Cainta at Pasig City. Nakum­piska sa raid ang nasa 20 gramo ng shabu na nasa P136,000 halaga, 2 sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana at dalawang kalibre .38 ng baril at mga bala nito.

DRUG DEN

FINANCIER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with