^

Probinsiya

Parak namaril sa piknik: Lolo patay, 3 sugatan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Parak namaril sa piknik:  Lolo patay, 3 sugatan
Sinabi ni Cagayan Police Director Sr. Supt Warren Tolito na maging ang suspek na si SPO1 Michael Domingo ay isinugod sa hospital matapos magtamo ng tatlong saksak sa dibdib kasunod ng rambulan ng dalawang grupo dakong ala-1:00 ng tanghali sa lugar. ?
File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Patay ang isang 60-anyos na lolo habang tatlo pang miyembro ng kanyang pamilya ang malubhang nasugatan matapos ang walang habas na pagpapaputok ng isang pulis sa gitna ng piknik ng isang pamilya at sa nangyaring rambulan ng dalawang grupo sa liblib na Sitio Hot Spring, Brgy. Asinga-Via, Baggao, Cagayan noong Sabado.?

Sinabi ni Cagayan Police Director Sr. Supt Warren Tolito na maging ang suspek na si SPO1 Michael Domingo ay isinugod sa hospital matapos magtamo ng tatlong saksak sa dibdib kasunod ng rambulan ng dalawang grupo dakong ala-1:00 ng tanghali sa lugar. ?

Inaalam pa kung ang rambulan ay nag-ugat sa alitan sa inuman ng dalawag grupo sa lugar, dagdag ni Tolito sa kasagsagan naman ng piknik ng mag-anak. ?

Nasawi habang isinusugod sa ospital dito ang lolong si Pepito Agustin at nilalapatan ng lunas ang mga kaanak niyang sina Marlo Cabaro, 58; Jeffrey Cabaro, 37, at Leonita Cabaro, 59,  pawang tinamaan sa pamamaril ni Domingo ng kanyang hindi pa natukoy na baril.?

Nabatid na si Domingo ay nakatalaga sa Santiago City Police Station sa Isabela. ?  

vuukle comment

MICHAEL DOMINGO

PATAY

PULIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with