^

Probinsiya

Suspek sa rape slay ng 3-anyos, timbog!

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon
Suspek sa rape slay ng 3-anyos, timbog!
Iprinisinta ng pulisya at ni Mayor Joseph Evangelista ang nasakoteng suspek na si Rene Bueno.
File

KIDAPAWAN CITY  , Philippines  —  Tuluyan nang nahulog sa kamay ng mga awtoridad ang suspek na may patong na P100K sa kanyang ulo dahil sa paghahalay at pagpatay sa sariling pinsan na 3-anyos na bata matapos na boluntaryong sumuko sa Malungon Police sa Sarangani kamakalawa.

Iprinisinta ng pulisya at ni Mayor Joseph Evangelista ang nasakoteng suspek na si Rene Bueno.

Ayon kay P/Supt. Ramel Hojilla, hepe ng Kidapawan City Police, si Bueno ay sumuko sa Maitum, Sarangani nito pang Linggo. Nakarating umano si Bueno sa Maitum dahil sumakay siya sa truck na biyaheng Sarangani. Pero dahil sa nakakalat na ang mukha nito sa social media matapos ang nasabing krimen, may ilang mga residente ng Maitum ang nakakilala sa kanya.

Ayon kay Hojilla, walang nagawa si Bueno kundi isuko ang sarili sa pulisya kaysa kuyugin ng mga tao. May takot din umano si Bueno na umuwi ng Kidapawan City dahil alam niyang matindi rin ang galit ng pamilya ng batang biktima na si Ella Bueno, at mga netizen.

Magugunita na karumal­- dumal ang sinapit ng bata sa kamay ng sariling pinsan na matapos gahasain ay pinatay pa ng huli sa kanilang tahanan sa Brgy. Singao, Kidapawan City, North Cotabato noong nakalipas na linggo.

vuukle comment

JOSEPH EVANGELISTA

MALUNGON POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with