^

Probinsiya

8 tiklo sa vote buying

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Walo katao ang inaresto ng mga opisyal ng barangay at mga concerned citizens matapos na mahuli sa umano’y “vote buying” sa magkakahiwalay na insidente sa lungsod ng Lucena, Quezon at Calamba City, Laguna bago magbukas ang botohan para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections kahapon. Sa report ni Calabarzon Director P/Chief Supt. Guillermo Eleazar, pito ang nasakote sa aktong namimili ng boto sa Purok 4, Dulong Buhangin, Lucena City dakong ala-1:45 ng madaling araw o ilang oras bago mag-umpisa ang botohan nitong Lunes ng umaga. Kinilala ang mga suspek na sina Pepito Carbonel, Virginia Sta Ana, Dory Repollo, Romeo Bersabe, Arsenio Lagrason, Fernando Irwin at Wilma Anthony. Sila umano ay naaktuhan ng brgy. tanod na si Roberto de Belen at mga kasamahan nito na namimili umano ng boto pabor sa kandidata sa pagka-brgy. chairwoman na si Shirley Sadia at mga konsehal nito sa halagang P200. Inaresto rin sa Calamba City ang isa pang suspek na si Corazon del Rosario na umano’y namimili ng boto. Nakum­piska sa kanya ang mga envelope na naglalaman ng tig-P500.   

BARANGAY AT SANGGUNIANG KABATAAN

VOTE BUYING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with