^

Probinsiya

8-anyos ni-rape slay ng ‘adik’ na tiyo

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kalunus-lunos ang sina­pit ng isang 8-anyos na bata makaraang halayin at tadtarin ng itak na halos humiwalay na ang ulo nito sa kanyang katawan ng kanyang sariling tiyuhin na hinihinalang bangag sa droga sa Brgy. Sarapan, Passi City, Iloilo kamakalawa.

Ang suspek ay si Harlie Cordada, 39-anyos, ang bayaw ni Melrose Panisales na tiyahin naman ng biktimang si alyas ‘Nene’.

Nabatid na dinala umano ni Panisales ang kanyang pamangkin na si Nene sa kanilang bahay sa Dingle, Iloilo upang ipamasyal sa kanilang fiesta kahapon. Pagsapit umano ng alas-5:00 ng hapon nitong Lunes ay nakita pa niya ang bata pero nang maghapunan na sila dakong alas-6:00 ng gabi ay ‘di na niya ma­hanap ang pamangkin hanggang sa maispatan nito ang bayaw na si Cordada na nagkukumahog na dumaan sa likod ng kanilang bahay dala ang saging at isang itak.

Tinanong pa ng asawa ni Panisales ang kapatid na suspek kung bakit may mga dugo ang damit nito ngunit sinagot lang nito na nasu­gatan siya kahit wala naman talagang sugat sa katawan. Dito, nag-duda ang asawa ni Panisales dahilan para humingi na sila ng saklolo sa mga barangay officials at hinuli si Cordada.

Alas-10:00 ng gabi na nang mahanap ang katawan ng bata sa tubuhan na walang damit pang-ibaba, may sugat sa kanyang ari, halos maghiwalay ang ulo sa katawan at may mga taga sa magkabilang balikat at braso.  - Joy Cantos

vuukle comment

CHILD RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with