^

Probinsiya

Police asset itinumba

Boy S. Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumulagta ang isang la­laking sinasabing police asset matapos na pagbabarilin ito ng isang ‘di natukoy na gunman habang nasa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Kaypian sa San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon ng umaga.

Nagtamo ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na nagresulta sa agarang kamatayan ang biktimang si Dennis Gabitan, 45-anyos, residente ng Banana Island, Brgy. Kaypian sa naturang lugar.

Sa imbestigasyon ni PO3 Gilbert Cuña dakong alas-8:00 ng umaga habang nasa loob ng kanyang bahay kasama ang kanyang asawa nang biglang pumasok ang gunman at walang patumanggang pinagbabaril ang biktima hanggang sa mapatay ito.  Sinubukan pang pigilan ng asawa nito ang gunman subalit agad ding tinutukan ng baril na naging dahilan upang pansamantalang manahimik at natulala sa nakitang insidente saka tumakas ang suspek kasama ang nagaabang na kasabwat.

Narekober sa loob ng bahay ang dalawang basyo ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre habang agad ding inamin ng babae na naging police asset ang kanyang asawa.

vuukle comment

POLICE ASSET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with