Ifugao solon kinasuhan ng graft
February 25, 2018 | 12:00pm
MANILA, Philippines — Humaharap ngayon sa kasong graft si Rep. Teodoro "Teddy" Baguilat (Ifugao) dahil sa umano'y pagbili ng overpriced na second-hand na sasakyan na nagkakahalagang P900,000 sa ilalim ng kanyang termino bilang gobernador ng lalawigan noong 2003.
Sinampahan ng Office of the Ombudsman si Baguilat sa anti-graft Sandiganbayan dahil sa umano’y paglabag sa Section 3 (e) ng Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Base sa charge sheet na mula kay graft investigation and prosecution officer Ma. Czarina Castro- Altares, bumili ang pamahalaang panlalawigan ng Ifugao sa ilalim ng termino ni Baguilat bilang gobernador noong Marso 2003 ng secondhand na Isuzu Wagon Trooper mula sa JMS General Merchandise na nagkakahalagang P900,000.
Kabilang din sa mga inakusahan sina dating provincial budget officer Virginia Farro, former provincial treasurer Samuel Marinay and private respondent Jose Man Singh na siyang proprietor ng JMS General Merchandise.
Sinabi ng Ombudsman na "nakipagsabwatan" umano si Baguilat kay Farro at Marinay sa pagbibigay ng "unwarranted benefit, advantage, and preference" kay Singh matapos umanong maibigay ang kontrata ng pagbili ng sasakyan sa JMS General Merchandise nang hindi sumasailalim sa public bidding na kailangan sa ilalim ng Republic Act 9184 o ang Government Procurement Reform Act.
Dagdag pa ng Ombudsman na wala ring wastong budget appropriation ang naturang pagbili.
Naisakatuparan din umano ang Deed of Sale ng sasakyan bago ang paghahanda para sa purchase request at canvass report, maging ang paglalabas ng purchase order.
Dahil dito, malinaw ani Ombudsman na nabili na ang sasakyan bago pa ang procurement process.
Samantala, kumpiyansa si Baguilat na mapapatunayang siya'y inosente sa hukuman.
“Well, I can say is that we are confident that we will be exonerated of these charges. This is a simple case based on allegation from an anonymous complaint done 15 years ago. And I'm confident that I can clear my name,” wika ni Baguilat sa isang text message sa The STAR.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
- Latest
Latest
Latest
Recommended