^

Probinsiya

3 ‘killers’ ng magsyota arestado

Jonie Capalaran - Pilipino Star Ngayon

BALANGA CITY, Bataan, Philippines — Arestado at sinampahan na ng kasong rape at homicide ang tatlong hinihinalang pumatay sa magsyota at nanggahasa pa sa babae sa tanggapan ng City Prosecutor sa lungsod.

Kinilala ni Associate City Prosecutor Judge Ruel Espaldon ang mga kinasuhan sina Darrell Aquino Lago, John Paul dela Cruz Miras at Rommel Sabong dela Cruz pawang sa Barangay Wawa, Abucay.

Matatandaan na dakong alas-5 ng hapon noong Nob­yembre 12, 2017 habang masayang magkasama na nakaupo sa Wetland Park sa Barangay Tortugas, Balanga City ang magkasintahan na sina James Carl Guzman, 18, binata ng Barangay Wawa, Abucay at Glory Mae Carbonel, 22, ng Ala-Uli Pilar nang lapitan at dukutin ng mga suspek. Halinhinang umanong hinalay ng mga suspek si Carbonel at saka pinatay habang pinalo naman ng sagwan sa ulo si Guzman na kanyang ikinamatay at saka sila itinapon  sa dalampasigan sa pagitan ng Balanga at Orion.

Ang mga suspek ay nakapiit na sa BJMP Bataan District para sagutin ang krimen na kanilang ginawa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with