3 minasaker sa laklakan
TUGUEGARAO, Cagayan, Philippines – Pinaniniwalaang onsehan sa droga ang mitsa ng pagpatay sa tatlong kalalakihan makaraang ratratin ng hindi kilalang lalaki habang naglalaklakan sa harapan ng tindahan sa Barangay Kuwatro, bayan ng San Mateo, Isabela noong Martes ng gabi.?
Sinabi ni P/Chief Insp. Emil Pajarillo, hepe ng San Mateo PNP, na naniniwala siyang target ng gunman ang biktimang si Allandel Barbasa, 27, na sinasabing tulak-droga na sumawsaw sa kanilang Oplan Tokhang noong 2016. ?
Bukod kay Barbasa ay idinamay na rin ng gunman ang mga kainuman nitong sina O’Neil Ryan Esquivel, 19, ng Barangay 3; at Rexson Pascua, 30, ng Pateros, Manila.?
Nagsigawan at nag-iiyakang nagsitakbuhan ang mga residente ng compound ni Imelda Yuzon kung saan naglalaklakan ang mga biktima at siyang sinamantala ng gunman na pagkakataong tumakas.?
Ayon pa kay Pajarillo, umaabot sa P50,000 halaga ng shabu ang inaangkat ni Barbasa mula sa kanyang supplier sa Caloocan City at Quiapo, Manila.?
Narekober sa crime scene ang mga nagkalat na basyo ng bala ng cal. 45 pistol.
- Latest