^

Probinsiya

Mayor, police aide nakaligtas sa ambush

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang alkalde, security escort nito at driver makaraang tambangan ng mga armadong kalalakihan sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Basalem, bayan ng Buug, Zamboanga Sibugay noong Lunes ng hapon.

Kinilala ang mga nakaligtas na si Mayor Eugenio Salva Jr. ng Kumalarang, Zamboanga del Sur; police escort nitong si PO2 Markwin Caylan at driver na si Rico Ranido.

Ayon kay P/Supt. Rogelio Alabata, PNP regional spokesman, naitala ang insidente bandang alas-5:30 ng hapon.

Base sa police report na nakarating sa Camp Crame kasalukuyang lulan ng puting pickup ang mga biktima patungo sa kabisera ng Kumalarang nang pagbabarilin pagsapit sa nasabing lugar.

Ayon sa salaysay ng mga biktima, narinig pa nila ang mga putok ng baril na uma­li­ngawngaw pero dahil inakalang paputok ay hindi ito pinansin.

Gayunman, pagsapit nila ng kanilang bahay ay dito lamang napagtanto ng security escort ng alkalde na sila ang target ng pamamaril dahil may mga tama ng bala ang kanilang sasakyan.

Samantala, narekober sa loob ng sasakyan ang isang na-depormang bala  ng hindi pa natukoy na kalibre ng armas.

vuukle comment

ZAMBOANGA SIBUGAY

BUUG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with