^

Probinsiya

3 drug suspek, itinumba

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines – Napatay ang tatlong isinasangkot sa droga makaraang pagbabarilin ng mga hindi kilalang kalalakihan sa Barangay Poblacion 4 sa bayan ng Lian, Batangas kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktimang sina Ronaldo Sobrado, Maria Royette Sobrado at Raymundo Butiong. 

Base sa police report, nasa loob ng bahay ng pamil­ya Sobrado nang biglang may pumasok na anim na kalalakihan saka isinagawa ang pamamaril bandang alas-3:20 ng hapon.

Mabilis na tumakas ang mga suspek na pawang naka-jacket at baseball cap sakay ng kulay puting sasakyan na walang plaka.

Sa tala ng pulisya, sina Ronaldo at Maria Royette Sob­rado ay dati nang naaresto sa kasong droga habang si Butiong naman ay kabilang sa mga sumukong drug personality sa bayan ng Lian.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon. 

vuukle comment

BATANGAS

DRUG SUSPEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with