^

Probinsiya

‘Mag-lover’ natagpuang patay sa motel

NO-NONSENSE FENG SHUI - Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines - Patay na nang matagpuan ang multicab driver at sinasabing kalaguyo nito sa kanilang silid sa isang lodging house sa Barangay City Heights, General Santos city sa South Cotabato, kahapon ng madaling araw.

Kapwa may saksak sa dibdib ang dalawa na kinilalang si Gilbert Calipes, 38, may asawa at nakatira sa Brgy. Fatima habang ang kasama nitong babae ay napag-alamang si Leony Bunayog, 44, may asawa at may mga anak din.

Nagtaka umano ang management ng lodging house matapos na hindi pa rin lumalabas ang dalawa dahil sa 12-oras na ang nakalipas matapos mag-check-in.

Bandang alauna ng madaling araw nang pasukin ng ilang staff ng motel ay bumungad ang duguang katawan ng dalawa na nakahandusay sa sahig.

Narekober ang ginamit na kitchen knife na nakabaon pa sa dibdib ng lalaki.

Iniimbestigahan ng pulisya kung sadyang nagpakamatay ang dalawa, lalo pa’t wala umanong narinig na komosyon sa loob bago nakitang patay ang dalawa.

vuukle comment

LOVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with