^

Probinsiya

3 pinagbabaril ng sariling kapatid: 2 patay, 1 kritikal

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
3 pinagbabaril ng sariling kapatid: 2 patay, 1 kritikal
Patay ang magkapatid, habang nasa kritikal pang kondisyon ang isa pa nilang utol nang pagbabarilin ng isa pa nilang kapatid kamakalawa ng hapon sa kanilang bahay sa Brgy. Bucal, Maragondon, Cavite.
File photo

MANILA, Philippines - Patay ang magkapatid, habang nasa kritikal pang kondisyon ang isa pa nilang utol nang pagbabarilin ng isa pa nilang kapatid kamakalawa ng hapon sa kanilang bahay sa Brgy. Bucal, Maragondon, Cavite.

Nakilala ang mga nasawi na sina Normida Quion Anglo, 59, nurse at Leonilo Anglo Angue, 49, OFW.

Isa pa nilang kapatid na nakilalang si  Rizaldy, 57, ang nasa kritikal pang kondisyon.

Agad namang naaresto ang kapatid nilang suspect na si Gina, 55, habang nakatakas ang kasama nito na si Venchito Sabas, 60.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-3:15 ng hapon nang dumalaw ang mga biktima sa kanilang ina sa nabanggit na lugar at habang  nasa terasa at nagkukuwentuhan ay dumating ang dalawang suspek at inungkat ang tungkol sa mana at pensyon nito.

Dito na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang magkakapatid hanggang sa napikon ang suspek na si Gina na nagbunot ng baril at pinagbabaril ang mga kapatid na sina Normida at Leonilo.

Lumabas mula sa likuran ng bahay si Rizaldy upang awatin si Gina, subalit binaril din siya nito at kahit na sugatan ay nagawa nitong makatakbo at humingi ng tulong.

Naitakbo sa ospital ang tatlong magkapatid na ang dalawa sa kanila ay idineklarang dead-on-arrival.

vuukle comment

BARILAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with