2 biyuda kinatay
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng dalawang biyuda makaraang pagsasaksakin ng hindi kilalang lalaki sa kanilang bahay sa Barangay Mabilbila Sur, bayan ng Santa sa Ilocos Sur kamakalawa. Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Greg Guerrero, tagapagsalita ng Ilocos Sur PNP na nagtamo ng 19-saksak si Guillerma Asuncion, 57, habang 12 naman sa kasamang si Maribel Cardenas, 38. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, magkasamang natulog ang mga biktima sa covered porch ng kanilang bahay nang pasukin at saksakin ng hindi kilalang lalaki.Ayon sa pulisya, namataan ng anak na bata ni Cardenas ang suspek na matangkad na lalaki na umaaligid sa kanilang bahay bago naganap ang pamamaslang. Walang nakitang motibo ng pagnanakaw sa bahay ng mga biktima at hindi rin narekober ang murder weapon sa crime scene.
- Latest





















