Hired killer patay sa kumasang vice mayor
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng isang most wanted na may patong na P90-K sa ulo matapos itong makipagbarilan sa kumasang vice mayor na target na itumba sa bayan ng Adams, Ilocos Norte kamakalawa ng gabi.
Nakilala naman ang napatay na si Jun Valencia base sa nakuhang identification card mula sa bangkay nito.
Sugatan namang isinugod sa Mariano Marcos Memorial Hospital ang Medical Center sa Batac City si Vice Mayor Eric Bawigan.
Sa ulat ng Ilocos Norte Police, naganap ang krimen sa bahay mismo ng nasabing opisyal.
Ayon sa imbestigasyon, nanonood ng telebisyon sa may kusina ang pamilya ng opisyal nang bigla na lamang sumulpot si Valencia at agad binaril si Vice Mayor Bawigan.
Sa kabila ng nasugatan sa dibdib ay hindi nasiraan ng loob si Bawingan na agad ding binunot ang kaniyang baril at pinaputukan ng sunud-sunod si Valencia.
Sa tala, si Bawingan ay nakatatlong termino na bilang mayor na muling tumakbong vice mayor noong Mayo 2016 elections.
Ayon kay P/Chief Insp. Dexter Corpuz, si Valencia ay itinuturong suspek sa pagpatay kay municipal treasurer Elpidio Sy noong mayor pa lamang si Bawingan noong 2010.
Narekober kay Valencia ang cal.45 pistol at bagpack na naglalaman ng mga bala at cellphone.
- Latest
















